Wala akong mapost ngayon. Pero gustong gusto kong magpost. Kaya ito na lang, kung post mang matatawag ito. Gusto kong ikwento ang meeting namin ni kiks, empress, at mandaya nong nagmanila kami ni mandaya para sa isang event na, ewan pero sobrang nakakatuwa at, edyokeysyonal. Jeyses! edyokeysyonal ba ang sinabi ko?
Unang-una, gusto kong magpasalamat at nakabalik na ako ng Davao kahit pa man gusto ko pang mag-estey sa Luzon. Gusto kong gumala. Hindi sa Manila. Sa Luzon. Kahit saan basta wag lang sa Manila. Kahit pa man kasagsagan ng bagyo. Sabi nga ni Aaron: "May bagyo? Eh, ano?" Ang sagot ko naman: "Eh di, baha..."
Gusto kong subukang bagyohin. Una dahil akoy uga sa napakahaba nang panahon at ikalawa, gusto kong patunayang pwedeng maging event ang bagyo. Na pwede itong maging toris atraksyon na katulad ng bulkang mayon. O Apo.
Pero hindi naman season ngayon ng gala. Sa dami ng gawain, di dapat gumala. Hindi dapat i-endyoy ang tanawin ng pinas kung ang totoong tanawing dapat na bigyan ng pansin ay yong nasa Maguindanao, Pikit at Lanao.
Pero minsan din, naisip ko, ang sarap siguro kung kasama ka sa entored ni GMA. Dyangket ng todong-todong. Pero kung akoy taga-Mindanao at kasama ako sa trip ng pangulo, tiyak kong di ko rin ito mai-endyoy. Ang gagawin ko, hahanapin ko si Obama. At magpapa-esnab. At aadbaysan ko ang pangulo na magpa-esnab uli kay Obama. Ano kaya ang piling ng sanay ma-esnab? Tulad ba ito ng sanay na mabasted? Endyoy siguro talaga yon.
Syor, ibang sipa ng endyoymen ang nangyari nong dinner namin nina mandaya, kiks, empress sa kitchen ng greenbelt na sobrang alta. Pero syempre, mas alta ang mandaya kasi nagpasikat ito. Siya ang nagbayad ng aming nilapshe. Aba! Sobrang pasikat. Kung alam lang ni kiks and empress kung anong uring pagpuputa ang ginawa ng mandaya para mabayaran ang dinner na yon na sobrang mahal. And jeyses masyado the pleys. Masyadong gawa. Pati ang gward, gawang-gawa. Bumalik lang ako sa reyaliti nong nag-malate kaming apat. Sarap. Ng bir. Yes, sarap ng bir sa O. Ang gandang pagmasdan ng mga weter na naka-penk.
Sa loob ko: mabuti na lang, di ako naka-penk ngayon.
Bago kami uminon ng bir, ito muna ang ginawa namin sa pleys na masyadong alta. Pityor. Di kasama si mandaya kasi chinika nya ang gward. nag-oper ng P500 para magpa-pityor silang dalawa. Tsip ang gaga. Teyk nowt ang bunganga naming tatlo. Kay kiks ang pinaka-wayd.
At habang bumubuhos ang bir sa aming lalamunahahannnnn, dumaan si Michael. Sabi ni kiks Filam daw ito. UCLA. Nasa Pinas. Dyomodyoen ito ng mga mob. Pinakilala kami. Bes in esmayl sya. At gwapo. Shineyk nya ako. Shineyk ko rin sya. Ayan sya. Kasama ni kiks at isa pang kasama nila. Sya yang nasa right. Ano ba. Hindi yang nasa gitna! Vovie!
Mas masarap sya kaysa sa bir.
Snapshots from Lake Sebu with Huawei Pura 70 Pro
-
Last May, I was in Lake Sebu, South Cotabato test Huawei’s flasgship phone
Pura 70 Pro for this year’s edition of the Earth+Lens project. This year’s
Manil...
4 months ago
4 comments:
ako ang kumuha ng picture. magaling talaga ako na kodaker. kung di dahil sa aking magic click, di sana maganda ang kinalabasan niya.
tse!
Uy, si bananas, pumapalakpak ang kepyas!
powtang pictures ang saya! pag umuwi ba ako sa pinas, magkita-kita kaya tayong mga badetches and hags??
...pero sana sumama si mandy sa pictures. kahit kasama na yung mamang jaguard.
di sya pwede si mandaya ate sien. kodaker lang talaga sya.
Post a Comment