nagbabagang...

TAE.

Ang neyga ko na naman ngayon. Kasing neyga ko kahapon. At dahil sobrang neyga ako kahapon, muntik ko nang di siputin si Ching at ang boss ng Alchemy na magtatanong sana sa akin. Raket ito. Pero muntik ko nang isnabin. Buti tumawag ang Ching. Nagbago ang lahat. Ng kaunti. Owkey ang proseso. Mabait ang boss ng Alchemy. Mabait ang mga tanong. Mabait magtanong. Ang mga sagot? Sosyal. Sosyal ang mga sagot.

Pagkatapos, babo na kami. Kumain ng baby back sina Ching at isang lalaking di ko babanggitin ang neym. Ako naman ay nakikain lang sa kanila habang nagpapalamig ng fresh strawberry and manggo shake. Pagkatapos, umalis sa restong medyo sosyal at lumipat sa Calle 5. Tatlong bir uli, at maraming maraming tawanan at kaunting drama--na halos wala na nga talagang dramang nangyari.

Nalunod ang neyga partikels.

Pero bago ito, nakakasurpresang malaman na habang ikaw ay neyga at online sa ym, may isang negya rin na online sa ym. Katulad mo, ayaw nyang aminin kung bakit sya neyga. Sa tingin ko, di naman na kailangang aminin kung ano ang dahilan. Malaking bagay na na aminin mong sad ka at neyga ka. Yon lang sapat na.

Pero tingin ko may kaugnayan sa kanyang labir ang kanyang kaneygahan. Ewan. Pero tulad ko, gusto nya ring magbakasyon. Sa beach daw. Mag-isa. Bakasyon ng ilang araw. Magdadala lang daw siya ng nivea--panlaban sa araw. Atraktib ito. Umuo ako. Gusto ko ring gawin yong gusto nya. Empak, gusto ko itong gawin nuon pa.

Sa ngayon, ang gusto ko talagang gawin ay magkulong sa kwarto. Ng ilang araw. Siguro tatlong araw. Di lalabas. Di kakain. Di maliligo. Di magsasalita. Walang TV. E-o-op ang radyo. Pati selpon. Iiyak lang. Iyak lang ng iyak. Yong may sawnd na iyak hanggang sa mamaos ako. Tapos, mamya, wala na namang sawd kasi paos na.

7 comments:

bobongatenista said...

Promises Rehab is calling you beyef..

Nice Tagalog post. Magaling... Blagadag ang aking kabobohan.... hehehehe

Ingat... Miss chatting with you today.

Bryan Anthony the First said...

kaloka
tigilan ang neyga moment
pero tama
gumamit ng nivea
at ano naman mapapala mo sa pagkukulong sa kwarto, hihingain mo ang utot mo
go ka din sa beach kung like mo talaga mag neyga

woof!

Ate Sienna said...

ayyy.. why ka cry? splitalulubelle na ba talaga????

wag ka namang cry... kakasad eh :(

bananas said...

hi beyef, thanks sa pagbisit. gahulat na ba ang rehab? adik ba ko? potaka! hahahaha...muwahhh...

bryan, yes. nivea talaga teh. wala lang. feeling ko ang sarap ng isolation eh. ginawa ito dati ng aydol ko. dong abay. pero mahaba yong kanya. aking balak ay faux self-isolation lang. 3 days? tsiken.

ate sien, ang bait mo naman. wala akong ate. kaw na lang ate ko.

Maki said...

Ahaha.

Akala ko ba'y nalunod ang mga neyga partikels.

There they go resurfacing.

Makapag-nivea na nga. Babsh. :)

dam-dam said...

saba dira oi. baga kag nawong.

kelan ka ba hindi nega!

diwata said...

apil ko sa imong neyga, mam... paet ang layp. paet.