tamis mo ay dinaig ang asukal
ngunit pait ang sukli,
nang tamnan ang lupa
nagsaburak nang ito nabasa.
burak na lumamon sa pag-asa nila
nilang mga maliliit,
at tila walang mapagkasyahan...
kailan magagalit
ang mga diyos na nananahimik?
kailan nga ba mababasag nakalalasong pananahimik?
puta ka
puta ka talaga...
matamis ka nga
pero ang pait mo sa dila
lumalatay hanggang lalamunan
naglalakbay hanggang sikmura
nakakamatay...
pumapatay...
pinapatay ng mga diyos ang mga magsasaka
kailan magagalit
ang mga diyos na nananahimik?
kailan nga ba mababasag nakalalasong pananahimik?
silay natamisan rin
di yan maitatanggi.
tulad din sila ng iba na nalinlang
di man lamang kinutoban
at nagdalawang-isip
at nag-aksaya
at inaksaya
ang ari-arian
buhay
pag-asa nila
nilang mga maliliit
at tila walang mapagkasyahan
Snapshots from Lake Sebu with Huawei Pura 70 Pro
-
Last May, I was in Lake Sebu, South Cotabato test Huawei’s flasgship phone
Pura 70 Pro for this year’s edition of the Earth+Lens project. This year’s
Manil...
4 months ago
4 comments:
far out ni sa post nimo ha, wla man gud kay chatbox.
nghatag mo ug seminar? ahh.. u shud've sent me a msg pra magkita ta. san ka ngwowork sa davao nga?
Zino zya? Zino zila? Puta!
tukso.. layuan mo ako :)
bananas unsa gani imong url? kay karon ra jud ko nagka time mag edit sakong blog...so naa nakoy link hehhehe
Post a Comment