Sobrang daming trabaho ako ngayon na gusto kong i-wish na sana...sana...boys na lang sila. Pero hindi. Trabaho pa rin sila. Minsan, may bayad. Minsan wala. Minsan, malaki ang bigay. Minsan naman, halos wala na. May iba naman katamtaman lang. Diba? Para ngang boys.
At tutok ako ngayon sa napaka-toksik na trabaho kaya hanggang ngayon nasa Cagayan de Oro City pa rin ako. Naisip ko ang aking eks. Parang siya. Pinag-plantsa ako. Pinagluluto. Pinagtutupi ng kanyang yoniporm. Nagpapagawa ng asayment. Nosebleed ako lagi--hindi dahil hindi ko alam ang kanyang asayment kundi dahil sa relidyon ito. Kaya habang sulat ako ng sulat ng reaksyon peyper nya, mura naman ako ng mura sa mga santong kailangan banggitin sa kanyang peyper. Siya naman ay piling api. Nasa tabi ko. Kunyari umiiyak. Pagkatapos kong maisulat ang peyper, hayon, bes in esmayl na. Pota. Teka, bakit ba napunta sa kanya? Bitter pa ba ako? Isang taon na ang nakalipas ah. Tse!
Anyway, balikan natin ang trabaho ko. Hayon. Nandito pa nga ako ngayon sa Cagayan de Oro. Sori ha pero ang wird ng CDO. Sori ulit. Baka may ma-opend. Pero totoo. Ang wird. Madumi. Pero maraming gwapo ha, sa totoo lang. Ang ayaw ko dito ay ang kanilang mga jeep. Sobrang ang ingay. Isipin mo na lang. May konduktor. Maingay na ito. Ang driver, nag-aambisyong maging konduktor--sumasali sa pagtawag ng mga pasahero. Dalwang maiingay sa isang jeep. May sobrang lakas pang myosik, syempre. Tapos, habulan ang mga jeep. Geym na geym talaga sila.
Pero may bumawi kanina sa akin. Isang kyot na konduktor. Maingay pa rin ito. Pero maganda ang mga hirit. Puno na ang jeep. Pero nagpapasakay pa rin sila. Para yata hindi mairita ang mga pasahero, maganda ang hirit ng kyot konduktor.
Ganito--Urong lang po tayo ng kaunte. Ipakita po natin ang ating pagiging magkakapatid (Sibog lang ta. Ipakita nato ang atong panag-igsuonay).
Diba? Ang galing. Naisip ko: Mindanao Week of Peace pa rin pala ngayon.
At ang suot kong shirt ay may malaking nakasulat na: Act for Peace. Now!
Ispiking op Peace. Si utol naging storyteller ng INQUIRER Read-Along session sa mga batang Muslim at Kristiyano sa Shariff Kabunsuan Province nong Tuesday. Yes. Si utol po. Si Robin, mga misis. Anoba!
At ang galing Robin ha. Mas magaling pa yata ito kaysa kay Rustom. Basahin nyo na lang sa INQUIRER. Front page sya. Yong isyu po ngayon. Like, Wednesday?
At nandon ako syempre. Kasi nga trabaho. Naisip ko...masarap kayang magtrabaho kay Robin? Chos! At ano ang trabaho ko don? Ako ang host. Syempre, mas magaling ako kaysa kay Robin. Tse!
At paano ba ako maglagare? Ganito. Bumiyahe ako papuntang Davao nong Sabado ng gabi. Pitong oras lang naman yon. Tapos, nong Sunday, byahe naman papuntang Cotabato City. Limang oras din yon. Tapos, work-work na nong Monday. Tapos, Tuesday--work-work din. Habulan and all that. Tapos, kinahapunan--bandang alas tres na--byahe papuntang Davao. Tapos, dumating kami ng Davao bandang alas nuebe. Tapos, byahe uli pabalik ng CDO bandang alas-onse ng gabi. Dumatin ako ng CDO ng alas-singko ng umaga. Tapos, naligo lang. Nagsulat. Nagsulat. At hanggang ngayon ay nagsusulat pa rin. Naisip ko tuloy uli--sana boys na lang ang trabaho.
And in fairness to me. Naka-pink ako ng shirt na may tatak na: MASARAP MAGBASA. Yes. In English--I would rather be wet. Walang biro. Jokes.
Top 24 Most Played Songs of 2024
-
Every journey needs a bangin’ soundtrack -— a collection of songs that
weave themselves into the fabric of my adventures. They turn moments into
core mem...
2 weeks ago
24 comments:
hehehe. kaya mo yan.
uy jonas. waw. nababasa lang kita dati. ngayon nandito ka na. bumisita na. may itatanong ako dapat sayo eh. neways, salamat...uu. kaya ko ito. hehehe
curacha. ang bayot na walang pahinga.
Magkamukha kayo ni Fairodz. Venga!
lyka, punyeta ka! pero ok lang. ibig sabihin, mukha akong baby.
madem dem-dem, yesh. walay pahenga gyod. musta na imong bisong mam? wet pa gihapon o katol sya?
you should envy me, i see your ex everyday. and although di nya ako pinagpaplantsa, pinaso nya ako sa init ng mga tingin nya. chos!
maki bebeh...good luck sa imo gang. hehehe
seriously, dai, when will you get over him?
as soon as forever is through? parang kanta..
hahaha!
palihug dili jud ni tinuod! hahahaha
Ano ba yung itatanong mo sana pare?
bakit parang inaantok si fairods? was it you or was it you? hehehe. musta ka na?! kung boys ang trabaho, baka na-sisante na ako. ;)
- jericho -
jonas, pare (ehem...), ang tanong ko ay--bakit mo pinalitan ang header mo? kasi the first time i checked you blog, nandon ka. i mean, your photo. it wasnt a headshot i remember but it had your photo. the next time i checked it, wala na. hahahaha...wala lang. naitanong ko lang. naitanong ko rin itong tanong na ito kay ep. ang sagot nya--which i of course expected--was: itanong mo sa kanya.
maki--get over him? i dont know your definition of the term "get over him." but i have my own. and yes, seriously, while i know in my heart that we can always forget a love affair or a lover, we always will have the difficulty of trashing away friendship. come on maki, i didnt expect you to be reading my rantings about michael as shallow as being still in love with him.
jericho--mapungay lang talaga ang mga mata ni fairodz. at mukha nga itong kulang sa incrimine (ewan kung tama ba spelling ko). pero nanalo si fairodz ha. mataling bata si fairodz. may future si fairodz. iba ang level ni fairodz.
ok lang naman ako jericho. ikaw kumusta ka na? kiss nga!
anon (not jericho)--kilala kita. wag kang mag-deny. tama ang lahat ng sinabi ko. walang labis--kulang pa nga! heheheh...
day! musta na?
nagkita mi ni mandaya diri manela. ug nagbayle mis discohan, with tin, ey-ey and co-worker rg.
and we didn't know na it was mandaya's 40th bday!!! lingaw kau mi day. hope u were there.
hope to see you soon day!
Pare (ehem...din) hehehe. O, naglagay uli ako ng pic para di ka na magtanong. Hehehe.
omar, bigatla ka teh! lagi. nagtek sa ako ang mandaya kaganinang buntag to announce nga nagkita daw lagi mo. nagkiat ang babaye? hahahah...unsa ba. ambot ani when ko makapameneleh mem. hay. unsaon na lang. neks year na guro? nagkiat mo nilang AA maam? hala no. missed it gyudah! syet! as in tae!
jonas--ayon! hahahaha...nagtanong lang naman ako bakit nawala. di ko naman sinabing ibalik. heheheh...salamant, ehem...pre. hahahah.
ano email ad mo pare?
jonas--jeftupas@yahoo.com
isang f lang yan.
ym ko naman ay grab_a_life_idiot
ano iyo?
naman. i construe this as you still loving him. no offense meant.
it's just that.. this missing is, i did not expect, longer than i thought.
maki bebeh--don't worry love. i dont usually take offense on blows about the things that concern my desires--carnal or otherwise--and longings over people and events--real or imaginary--that are important to me.
and yes, like you, i also wasnt expecting to miss michael as long as this. and i shit pablo neruda for telling me that "loving is easy but forgetting is long." but this is not tedious as feeling pain.
and yes, btw, maki bebeh--i have also been missing my first ex. the one seriouser than what i had with michael. and this missing is longer that the missing i have for michael.
so how's that?
...i am still in love?
wahhhhhhh
Buti ka pa may projects. I'd rather get wet. Hahaha.
wahaha, first sentence mo pa lang, tawang tawa na ako. haha
"Sobrang daming trabaho ako ngayon na gusto kong i-wish na sana...sana...boys na lang sila."
WTF. haha. i'm with you! mula ngayon, ganyan na rin ang panalangin ko. haha.
rare species yung nakita mo ha! wala pa kong nakitang cute na konduktor ever.
teka, sorry, enlighten me, ano ba work mo exactly?
ep--kung wala ka mang projects, at least ikaw wet lagi. may lablayp ka kaya. tse ka!
yoshke--isa akong kaladkaring manggagawang pinoy na ang sahod ay di man lang sapat upang maitawid ko ang aking mga pangangailangan--kasama na dyan yong sekswal. kaya kaisa ako sa mga tumatawag ng P125 across the board increase. hahhaha...
pero totoo. isa akong kaladkarin. ang dami kung ginagawa. pero lahat ito ay may kaugnayan sa pagsusulat. pero di ako manunulat. alam kong alam mo ang kaibahan ng mga bagay-bagay.
haha. now i'm getting it.
a bit.
somehow.
yeah, in a way.
hahaha.
ako manunulat ang freelance job. tapos yung full time job ko, may kaugnayan sa pagsusulat pero hindi ako manunulat dun. haha. think Globe.
by the sound of it, i think you have more beautiful memories with your first ex. at least di ka niya ginawang katulong. :(
for the other one, i think he's really happy now. lei spotted them really 'holding hands' in the dark of the night. good for them.
for us, mingaw gyud ang single dai. antos na lang. merry christmas!
Post a Comment