bayoleyted

Sobrang pagod ako the past days na kailangan kong magpamasahe. Ang Cagayan de Oro ay di katulad ng Davao City na pwede kong iteks lang ang aming masahistang serbis. Kaya, bago ako sumakay ng dyip papuntang pier, dumaan muna ako sa isang lugar na ang pangalan ay---comforting touch (or something like that).

Pero imbis na marelaks ako, nabugbog ako sa loob ng comforting touch massage syet na ito. For 30 minutes, para akong tinortyor. Di ko alam kung anong uring pasakit ang na-eskperyens ng babaeng masahista sa kanyang buhay--especially sa kanyang tsayldhud--at ganon na lamang sya gumalaw. Amazona sya. Habang minamasa niya ako--i repeat--habang minamasa niya ako, nararamdaman kong gustong lumabas ng dugo ko sa mga pores ng aking balat na kanyang walang sawa at kapagurang nilalamutak.

Ito ang lamutak na walang katiting man lang na landi. Hindi ito katulad ng lamutak ng mga lalaki sa susu ng kanilang mga gelpren o asawa o kabit o kakilala. Hindi ito ang klase ng lamutak na ang pinaghugutan ay landi. O libog. Hindi ito romansa. Ang pinatikim sa akin ng ebay ay kung paano mamatay slowly.

Habang ramdam ko ang lamutak sa aking likod--ang masel sa aking shoulders na kanyang paboritong balik-balikan--ipinokus ko ang aking atensyon sa isang paso ng--potpourri yata ang tawag don--na nakalagay sa ilalim ng bed. Maliban sa sahig, ang potpourri lang na ito ang nakikita ko habang akoy nakadapa at pinaparusahan ng babae.Thirty minutes lang ito. At nagpasalamat ako habang tinatanong ko sa aking sarili--paano na lang kung 1 hour ang masaheng ito? Buhay pa kaya akong lalabas dito?

Tik. Tak. Tik. Tak.

"Sana matapos na please..." dasal ko. Tumulo na ang luha ko. Pramis.

At ayon. Parang pinakinggan ako.

"Okay lang ang presyur sir?" tanong ng babae sa akin.

I nodded. I smiled. I lied! Puta siyang babae siya! Gusto kong siyang patayin pero wala na akong lakas para dito. Hinayaan ko na lang siyang umalis habang nakangiti. Masaya ang bruha. Parang wala lang sa kanya ang naganap sa aming dalawa. Malapit na akong mawalan ng ulirat sa bagsik niya. Hindi sya masahista. Isa siyang sadista! At hindi siya kinaya ng aking pagiging masokista.

Naisip ko--iba ang ibig sabihin ng hard massage sa Cagayan de Oro. Ang hard dito ay ini-espel na H A R S H. Dito, di nila alam ang ibig sabihin ng finesse. Dito, kapag sinabi mong hard ay ibibigay sayo ang hanap mo. Hard kung hard, inay. Ito yong masahe na mapaparalays ang iyong kamaselan; ang iyong pores mawawalan ng kakayahan magsara. Ang iyong kamaselan ay magkokolaps.

At nangyari ito sa gabi kung kelan inobserba ang Universal Declaration of Human Rights 60 years ago.

4 comments:

Anonymous said...

naman... pag-aralan ang Convention against Torture. o baka, nahalatang bading ka kaya galit sa'yo?
- jericho -

Pipo said...

hahahaha. Siguro hindi na sense ni Sadista girl na hindi sa iyo bagay ang finesse type of massage. Ganun, talaga teh kapag babae ang masahista they don't even know how to spot the area. Ang erya na kung saan ang libog ng feeling. Imagine this, kung lalaki siya siguro mas masakit pero masarap - as in ang sarap. Okay lang kahit na tortyur ang dating ng masahe kapag ka na tortyur mo rin siya na pabaligtad - like 69 vah whahahahah

First to comment. babush!

Kiks said...

bayoleyted ka nga.

di naman nananawagan ng writ of amparo ang harshest masahistang itetch dahil me hinahanap sya sa malamasukal sa sobrang itim na likod mo?

dam-dam said...

auntie, akala niya kasi, bangkay ka. tsweh.