Sa Cagayan de Oro, marami ring Koreans. Lagi silang tumatambay sa cafe nina JB--sa Brewberry. Minsan, nakakatambay din ako don. Maganda ang lugar. Free wifi. Masarap ang iced tea. At moist cake. At mga Koreans. Lalaki man o babae. Basta.
Pero itong Korean na ito, di ko kinaya. Iba siya. Lab ko na sya.
Merry Christmas sa lahat.
...
Posted by bananas at 2:42 AM
bayoleyted
Sobrang pagod ako the past days na kailangan kong magpamasahe. Ang Cagayan de Oro ay di katulad ng Davao City na pwede kong iteks lang ang aming masahistang serbis. Kaya, bago ako sumakay ng dyip papuntang pier, dumaan muna ako sa isang lugar na ang pangalan ay---comforting touch (or something like that).
Pero imbis na marelaks ako, nabugbog ako sa loob ng comforting touch massage syet na ito. For 30 minutes, para akong tinortyor. Di ko alam kung anong uring pasakit ang na-eskperyens ng babaeng masahista sa kanyang buhay--especially sa kanyang tsayldhud--at ganon na lamang sya gumalaw. Amazona sya. Habang minamasa niya ako--i repeat--habang minamasa niya ako, nararamdaman kong gustong lumabas ng dugo ko sa mga pores ng aking balat na kanyang walang sawa at kapagurang nilalamutak.
Ito ang lamutak na walang katiting man lang na landi. Hindi ito katulad ng lamutak ng mga lalaki sa susu ng kanilang mga gelpren o asawa o kabit o kakilala. Hindi ito ang klase ng lamutak na ang pinaghugutan ay landi. O libog. Hindi ito romansa. Ang pinatikim sa akin ng ebay ay kung paano mamatay slowly.
Habang ramdam ko ang lamutak sa aking likod--ang masel sa aking shoulders na kanyang paboritong balik-balikan--ipinokus ko ang aking atensyon sa isang paso ng--potpourri yata ang tawag don--na nakalagay sa ilalim ng bed. Maliban sa sahig, ang potpourri lang na ito ang nakikita ko habang akoy nakadapa at pinaparusahan ng babae.Thirty minutes lang ito. At nagpasalamat ako habang tinatanong ko sa aking sarili--paano na lang kung 1 hour ang masaheng ito? Buhay pa kaya akong lalabas dito?
Tik. Tak. Tik. Tak.
"Sana matapos na please..." dasal ko. Tumulo na ang luha ko. Pramis.
At ayon. Parang pinakinggan ako.
"Okay lang ang presyur sir?" tanong ng babae sa akin.
I nodded. I smiled. I lied! Puta siyang babae siya! Gusto kong siyang patayin pero wala na akong lakas para dito. Hinayaan ko na lang siyang umalis habang nakangiti. Masaya ang bruha. Parang wala lang sa kanya ang naganap sa aming dalawa. Malapit na akong mawalan ng ulirat sa bagsik niya. Hindi sya masahista. Isa siyang sadista! At hindi siya kinaya ng aking pagiging masokista.
Naisip ko--iba ang ibig sabihin ng hard massage sa Cagayan de Oro. Ang hard dito ay ini-espel na H A R S H. Dito, di nila alam ang ibig sabihin ng finesse. Dito, kapag sinabi mong hard ay ibibigay sayo ang hanap mo. Hard kung hard, inay. Ito yong masahe na mapaparalays ang iyong kamaselan; ang iyong pores mawawalan ng kakayahan magsara. Ang iyong kamaselan ay magkokolaps.
At nangyari ito sa gabi kung kelan inobserba ang Universal Declaration of Human Rights 60 years ago.
Posted by bananas at 5:09 PM
wet
Sobrang daming trabaho ako ngayon na gusto kong i-wish na sana...sana...boys na lang sila. Pero hindi. Trabaho pa rin sila. Minsan, may bayad. Minsan wala. Minsan, malaki ang bigay. Minsan naman, halos wala na. May iba naman katamtaman lang. Diba? Para ngang boys.
At tutok ako ngayon sa napaka-toksik na trabaho kaya hanggang ngayon nasa Cagayan de Oro City pa rin ako. Naisip ko ang aking eks. Parang siya. Pinag-plantsa ako. Pinagluluto. Pinagtutupi ng kanyang yoniporm. Nagpapagawa ng asayment. Nosebleed ako lagi--hindi dahil hindi ko alam ang kanyang asayment kundi dahil sa relidyon ito. Kaya habang sulat ako ng sulat ng reaksyon peyper nya, mura naman ako ng mura sa mga santong kailangan banggitin sa kanyang peyper. Siya naman ay piling api. Nasa tabi ko. Kunyari umiiyak. Pagkatapos kong maisulat ang peyper, hayon, bes in esmayl na. Pota. Teka, bakit ba napunta sa kanya? Bitter pa ba ako? Isang taon na ang nakalipas ah. Tse!
Anyway, balikan natin ang trabaho ko. Hayon. Nandito pa nga ako ngayon sa Cagayan de Oro. Sori ha pero ang wird ng CDO. Sori ulit. Baka may ma-opend. Pero totoo. Ang wird. Madumi. Pero maraming gwapo ha, sa totoo lang. Ang ayaw ko dito ay ang kanilang mga jeep. Sobrang ang ingay. Isipin mo na lang. May konduktor. Maingay na ito. Ang driver, nag-aambisyong maging konduktor--sumasali sa pagtawag ng mga pasahero. Dalwang maiingay sa isang jeep. May sobrang lakas pang myosik, syempre. Tapos, habulan ang mga jeep. Geym na geym talaga sila.
Pero may bumawi kanina sa akin. Isang kyot na konduktor. Maingay pa rin ito. Pero maganda ang mga hirit. Puno na ang jeep. Pero nagpapasakay pa rin sila. Para yata hindi mairita ang mga pasahero, maganda ang hirit ng kyot konduktor.
Ganito--Urong lang po tayo ng kaunte. Ipakita po natin ang ating pagiging magkakapatid (Sibog lang ta. Ipakita nato ang atong panag-igsuonay).
Diba? Ang galing. Naisip ko: Mindanao Week of Peace pa rin pala ngayon.
At ang suot kong shirt ay may malaking nakasulat na: Act for Peace. Now!
Ispiking op Peace. Si utol naging storyteller ng INQUIRER Read-Along session sa mga batang Muslim at Kristiyano sa Shariff Kabunsuan Province nong Tuesday. Yes. Si utol po. Si Robin, mga misis. Anoba!
At ang galing Robin ha. Mas magaling pa yata ito kaysa kay Rustom. Basahin nyo na lang sa INQUIRER. Front page sya. Yong isyu po ngayon. Like, Wednesday?
At nandon ako syempre. Kasi nga trabaho. Naisip ko...masarap kayang magtrabaho kay Robin? Chos! At ano ang trabaho ko don? Ako ang host. Syempre, mas magaling ako kaysa kay Robin. Tse!
At paano ba ako maglagare? Ganito. Bumiyahe ako papuntang Davao nong Sabado ng gabi. Pitong oras lang naman yon. Tapos, nong Sunday, byahe naman papuntang Cotabato City. Limang oras din yon. Tapos, work-work na nong Monday. Tapos, Tuesday--work-work din. Habulan and all that. Tapos, kinahapunan--bandang alas tres na--byahe papuntang Davao. Tapos, dumating kami ng Davao bandang alas nuebe. Tapos, byahe uli pabalik ng CDO bandang alas-onse ng gabi. Dumatin ako ng CDO ng alas-singko ng umaga. Tapos, naligo lang. Nagsulat. Nagsulat. At hanggang ngayon ay nagsusulat pa rin. Naisip ko tuloy uli--sana boys na lang ang trabaho.
And in fairness to me. Naka-pink ako ng shirt na may tatak na: MASARAP MAGBASA. Yes. In English--I would rather be wet. Walang biro. Jokes.
Posted by bananas at 5:39 PM