Dear Dawn,
Sure, kaya mo ngang magdrama. Magdramang tumutulong ka sa environment.
Hindi nga ba't kayo ang nasa likod ng operasyon ng mga plantasyon ng saging at pinya sa Davao del Norte at Davao City na sinasabing lumalason sa mga taong naninirahan malapit sa inyong mga plantasyon sa pamamagitan ng mga kemikal na ginagamit ninyo.
Hindi mo ba alam na habang pinapalabas ang commercial na ito ngayon ay lumilipad din ang mga eroplanong bumubuga ng mga nakakalasong kemikal na hindi lamang tumatama sa mga saging na binibenta ninyo sa mga Hapon, kundi maging sa mga batang naglalaro sa ilalim--nakikipaghabulan sa anino ng eroplano at naliligo sa chemical drift.
Hindi mo ba alam na habang sinasabi mong kaya mong palitan ang diaper ng iyong anak, ang mga bata naman sa mga bayan ng Davao del Norte at mga barangay ng Davao City na apektado ng aerial spraying ay naluluha at nangangati dahil sa epekto ng nakakalasong kemikal?
Kaya mo rin bang tanggapin, Dawn, ang katotohanang hindi ninyo tinutupad ang probisyon hinggil sa buffer zone na nakakalagay sa inyo mismong environmental compliance certificate o ECC? Kaya mo bang tanggapin, Dawm, na ang buffer zone ay siya sanang security ng mga tao laban sa mga nakakalasong kemikal na binubuga ng inyong mga eroplanon at malalaking spraying machines?
Kaya mo rin bang aminin, Dawn, na kaya hindi ninyo kayang ibigay ang buffer zone, bilang proteksyon ng mga tao at maging ng mga open bodies of water, dahil mangangahulugan ito ng pagkawala ng milyong pesong halaga ng kita.
Kumikita nga kayo ng limpak-limpak na salapi, Dawn, at the expense of the people. Alam mo ba yon?
Ang dami ko pa sanang sabihin sayo. Pero napagod ako sa rally namin kanina sa harapan ng AJMR, isa ring kompanya ng saging, kung saan nagdala kami ng isang dosena ng kabaong para iprotesta ang unti-unting pagkamatay ng mga taong may mga sakit na ngayon--lahat mga simtomas ng mas malala pang sakit na tulad ng kanser.
Napagod ako dawn. At wala akong ganang magdrama ngayon. Kasi naman ay hindi ako nakapag-Myra 400 E kanina.
Blooming pa rin na kagaya mo,
Bananas
Top 24 Most Played Songs of 2024
-
Every journey needs a bangin’ soundtrack -— a collection of songs that
weave themselves into the fabric of my adventures. They turn moments into
core mem...
2 weeks ago
17 comments:
i like the ending of your letter.
is it only the banana plantations? how bout for other fruits?
So, si Dawn pala ang salarin.
Try din kaya niyang lagyan ng pesticide ang Myra 400 E niya, para lang ma-experience niya. Magalit din kaya siya? :P
The banana of life is also the banana of death.
Galing. Natumbok mo. Pero next time, isali mi si tita margie.
oo nga pala mayaman yan sila dawn jan sa davao rite//seryoso ka ba na si dawn ang salarin//joke..
dapat kasi tayong lahat tumutulong sa environment eh no...keep it up
eh kung budburan ko kaya ng pesticide ang diaper ng anak niya, o kaya yung MYRA 400-E nya... makagawa pa kaya siya ng isa pang COMMERCIAL?
business is business. pero, kung NAKAKAAPEKTO na sa mga tao ang business mo - in a very negative and unhealthy way.... nako, dapat idemanda na yan.
na-gegets ko na yung previous entry mo about dun sa... aerial pesticides.
ayun. don't worry, mas blooming ka naman kaysa sa kanya diba? :P
I didn't know about that. Does she? I'm sure she's intelligent, but is she allowed to have an opinion in the family business? Sige ipagpatuloy mo ang laban, Erin Brockovich ka mare.
dapat vitamin e na lang binubudbud dun sa sagingan... vitamin e fortified na saging, ayus yun!
offtopic: napadaan lang po! :D
okei so un pala ang real meaning ng post mo before this. naku nga naman talaga.. basta maging blooming lang, di na iniisip ang kapwa.. yaan mo.. mas blomming ang beauty mo. :P
Mabuhay ka Ate Bananavich! Ipagpatuloy ang laban para sa bayan!!!
elo there!
m inviting u to my halloween surprise sa blog. papayakins!
happy halloween! :)
on another note -- erstwhile banana plantations distributed to farmer beneficiaries under agrarian reform were doomed in the absence of capacity building. the farmers themselves leased it back to banana planters. they would rather work as laborers than be "landowners". sad.
miks, tama kaayo ka sir. unfortunate kaayo ang panghitabo.
very disheartening.
ang galing mo namang magsulat! kahanga-hanga...peyborit mo rin pala si julie delpy, sobrang gusto ko sya...gusto ko yung mga kanta nya - je t'aime tant, a waltz for a night =)
don't let it get you down, though
strike a pose
say.. "CAVENDISH!!!"
wahehehehe
padayon lang gyud
This post reminds me of my employer before I migrated to France. I used to work in the Alcantara Conglomerate. Have you heard of C. Alcantara & Sons in Davao? They have a Banana export business in Sarangani. I'm just curious if they are implicated in this issue.
Really sad, very sad and this is getting serious!
Post a Comment